FULL MOON by piggykweky



POV of cristine



Parte na ng buhay ko ang sumakay sa MRT araw-araw para makapasok at makauwi galing sa  school.


Naging parte na rin ng araw ko na makita si Kim… sa parehas na station, upuan, at oras 


Palagi siyang may hawak na libro, di ko lang malaman kung binabasa pa nga talaga yun.


Bakit ko siya kilala? Tinatanong pa ba yon? Simple lang, gusto ko siya, yun lang


Pero mas malala pa ako sa torpeng lalaki -__- matagal ko na kasi siyang gusto, kaso di pa rin ako makagawa ng paraan kung paano ko ipapakita, o kahit masabi man lang


Subukan ko kayang mag padala ng sulat sa kanya? Yung love letter ba, di ko nga lang isusulat pangalan ko. Ay, wag na lang, ang korny ng dating, makaluma masyado XD


Pauwi ako sa bahay ngayon, parehas kami ni Kim ng MRT na pinagsakyan, pero kahit di kami mag katabi, pa  lingon-lingon pa rin ako para makita siya.. tae naman, ang gwapoooo


Pagkauwi ko, binuksan ko saglit yung MSN ko. Binungad agad sakin ng MSN yung isang message



Mikgwapings: hello Christine



Online siya kaya nireplyan ko na



YukkieYui: hi, kilala po ba kita? Bakit alam mo pangalan ko?



Di ko kasi nilagay sa MSN yung tunay kong pangalan eh, tapos ngayon may nakaka-alam?



Mikgwapings: Oo, kilala mo ko, araw-araw pa nga tayo nagkikita eh


Waahh.. kinikilabutan ako sa takot, meron akong stalker, sheeeeet



YukkieYui: Wahh, pwede na ba kitang makilala? Now na?


Mikgwapings: No sorry, next time nalang, One thing I can say to you is, I like you.


YukkieYui: Kuya, or whoever you are, kailangan ko ng mag offline, bye muna


Mikgwapings: Sige, balik ka ha, baka kasi... Ma miss kita





Nag offline na ako bago ba ako mamatay sa kaba dahil lang sa nakachat kong yun >.<


Maaga naman ako nakatulog kagabi pero nalate pa ako ng gising, tae naman, nakikipagkarerahan tuloy ako ngayon sa pag mamadali, kung may super powers lang ako eh XD


Pagkadating ko sa MRT station, saktong isang upuan nalang ang natitira, di ko malaman kung swerte o malas kasi, sa tabi ni Kim, dun ako uupo 



“Good Morning” sabi ni Kim


Di ko pinansin, alam ko naman di para sa akin yun eh *^*


“Aww. Di namamansin”


“A-ako ba?” tanong ko


“Oo”



WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHH, kinausap niya ko, omaygaaaad

Pag-uusap  lang yung ginawa namin sa 10 minutes ride papuntang school. Agad kong ikinwento kay Kyla at Eunice, mga new-found friends ko, yung nangyari



“Waaaah! Garaaaabeehh ang gwapo!” sabi ko


“Nice one!” sabi ni Kyla


“Oh tapos?” tanong ni Eunice


“Yun lang!” ssagot ko


“Ayy, kaya ka walang shota eh, hina mo gumawa ng moves” pangaasar sa kin ni Eunice, na medyo natamaan ako XD


“Uyy, kagabi, may nag message sa kin, sabi niya kilala ko daw siya at gusto niya ko, di ko nga mahulaan kung sino eh >.< ano ba gagawin ko?” sabi ko


“Ay, Secret Admirer yan!” sabi ni Kyla





Binatukan ni Eunice si Kyla, wahahahaha


“May secret admirer bang kilala mo na? wala kaya!” sabi nito kay Kyla, at lumingon sa akin, “Oh, kakilala mo naman pala eh, wag ka ng matakot dun, mag papakilala din yun kapag nag sawa nang mangulit sayo”


“Sana naman mag pakilala siya..” yung nalang naisagot ko





Class Hours. Letchee, boring palagi, puro aral aral aral… 

At sa wakas, natapos din, kaya pauwi na ako ngayon, andun pa rin si Kim sa kinauupuan niya, hawak pa rin yung libro na parang di niya na nililipat yung page XD

Nag online ako sa MSN ko, baka sakaling mapaamin ko ngayong gabi yung STALKER na yon, stalker talaga eh no? 



Mikgwapings: Hello Christine!


YukkieYui: Hi


Mikgwapings: na miss kita


YukkieYui: Awww. Pleeaaaseee, tigilan mo ko sa kakasabi nyan ha?


Mikgwapings: *3* okay, sige






Bakla ata to eh XD






Mikgwapings: Uyy, andyan ka pa ba?


YukkieYui: Oo, pwede na bang malaman kung sino ka? Now na??


Mikgwapings: Soon, malapit na, Can you promise me one thing?


YukkieYui: English.. XDD   oh ano?


Mikgwapings: wag ka magagalit sa kin hahaha, yun lang


YukkieYui: Bakit naman?


Mikgwapings: basta…




Masaya siya ka-chat, Nalaman ko din na nakuha niya sa isang kakilala ko ‘daw’ yung MSN ko, tinanong ko nga kung sino, kaso ayaw daw ipasabi yung pangalan.. -___- malaman ko lang kung sino yun, paslang siya sakin. XD


May ilang lingo na kaming nag-ch-chat.. kahit papaano na-gugustuhan ko na din siya, kaso pinipigilan ko, kasi di pwedeng dalawa sila ni Kim sa puso ko


Kaya napag desisyunan ko na, ititigil ko na ‘tong pakikipag usap kay Mikgwapings, o kung sino man siya


Mikgwapings: Hi Christine! Kamusta?


YukkieYui: Okay lang, may sasabihin ako sayo


Mikgwapings: ?


Yukkieyui: wag ka magalit, itigil na natin to


Mikgwapings: bakit?


YukkieYui: May gusto akong iba, salamat para sa sa mga feelings mo para sa akin




Matagal siyang di sumagot,




YukkieYui: Andyan ka pa ba?




Natagalan nanaman siyang mag-reply, 



Mikgwapings: Tignan mo sa labas ng bintana mo, full moon ngayon, please lang, pwede mo bang picturan? Since last chat na natin to, pwede bang gawin mo yun? Ako din, pipicturan ko din yung full moon….



Nag offline na ako, tumingin sa labas ng bintana, at pinicturan yung full moon, ewan ko ba, parang may nag uutos sa kin na gawin ko yun. 



Kinabukasan, maaga ako nakarating sa MRT station, nakaupo na, at nag hihintay nalang na maka-alis na yung Tren.

Ang pinag-kaiba lang ngayon, wala si Kim sa kinauupuan niya, parang di ata makukumpleto araw ko ngayon 


Hanggang sa Lunch na, nakatulala pa rin ako, haaaaaaaaaaaaaaaaaay, 

May umupo sa harapan ko, si Kim O.o



“Dito muna ako ha?” paalam niya sa akin


“S-sige lang,” wahh, swerteeeeee!~




Tumayo siya ulit, nag paalam na may bibilhin siya, may nag ring sa lamesa, naiwan niya pala yung cellphone niya. Gawa ng pagiging dakilang pakialamera ko XD binuksan ko yung cellphone niya.


“F-full moon?”


Background ng cellphone niya, full moon, kagayang kagaya sa full moon na pinicturan ko kagabi. Pagkabalik niya sa lamesa, naabutan niyang hawak ko yung cellphone niya.



“Hi YukkieYui” 


“I-Ikaw?” 


“Oo, pasensya na ha? Ang torpe torpe ko kasi eh, kaya nung nareceive ko yung message mo na ayaw mo ng makipag-chat sa kin, napag-isipan ko na umamin na sayo”


Naluluha na ako, gawa ata ng saya


“Ohhh, wag ka namang umiyak!” sabi niya


“Kasi naman eh, ang sama-sama mo, ikaw lang pala yun”


“Nasabi ko ng gusto kita, ikaw naman, gusto mo rin ba ako?” nag smile siya


“Hindi! mahal na kasi kita eh”





Parte na ng buhay ko ang sumakay sa MRT araw-araw para makapasok at makauwi galing sa  school.


Naging parte na rin ng araw ko na makita si Kim… sa parehas na station, upuan, at oras 


Palagi siyang may hawak na libro, di ko lang malaman kung binabasa pa nga talaga yun.


Bakit ko siya kilala? Tinatanong pa ba yon? Simple lang, MAHAL ko siya, yun lang


At hanggang sa ngayon, naging parte na rin ako ng buhay niya…







***

POINT OF VIEW

Eunice


Naging ka-close namin ni Kyla si Christine, masaya siyang kasama at palaging ikinukwento sa amin yung crush niyang si Kim, nagkikita daw sila araw-araw sa MRT station kaso di sila nag kakausap.


Matagal ko na ring kakilala si Kim noon, pinakilala sa akin ng isa kong kaklase. Isa sa mga napag-usapan naming ni Kim, yung crush niyang babae, Christine ang pangalan, nagkikita rin daw sila sa MRT station kaso di rin nag kakausap.

Ano ba ‘tong dalawa na to, parehas naman palang gusto yung isa’t-isa, ayaw pa mag-aminan, 


Kaya, ako nalang yung gumawa ng paraan para mag-kausap sila, binigay ko kay Kim yung MSN ni Christine, sinabihan ko si Kim na wag siyang magpapakilala, magpapakilala lang siya kapag sinabi na ni Christine na may nagugustuhan siyang iba at itigil na ang pag uusap nila


Halos araw-araw nag-kukwento sa akin si Christine tungkol dun sa nakakachat niya, sinabi niya na medyo na-f-fall na siya at ititigil na niya yung pakikipag usap niya dun sa stalker niya daw.

Napapangiti ako nun, kasi malapit ng umamin si Kim kay Christine


Yung planong picturan ni Kim at Christine yung full moon, ako din yung nag-sabi nun kay Kim. Nung Lunch time, sinadya naming di lapitan si Christine, pinalapit ko sa kanya si Kim, at sadyain na iwanan yung cellphone niya na naka set na yung picture nung moon as background, tinext ko yung cellphone ni Kim para mag ring, at ng makita ni Christine ang background, pinalapit ko na si Kim sa kanya


Sa wakas, nag ka-aminan na rin sila, ang dali nilang I match-make 

Sino naman isusunod ko nyan?





- T H E  E N D -

 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola