NASAAN SI ELISA ?!

Nanginginig sa takot si Oscar. Tulad ng dati ay para na naman siyang mabibingi sa kaya tinakpan ng dalawang kamay niya ang kanyang magkabilang tainga. Ano pa’t tila sasabog na ang kanyang ulo kapag tumagal pa ang ingay na kanyang naririnig.

Ito ang ikapitong gabi na ginugulo siya ng tila mga katok ng isang matigas na bagay mula sa loob ng posong negrong nasa likuran ng inuupahan niyang apartment. Hindi malakas iyon ngunit sa kanyang pandinig ay nakakarindi. Totoong parang sasabog ang eardrums niya at hindi iyon matatagalan pa.

Humagulgol na siya ng iyak. Sa pagkakataong iyon ay hindi niya alam kung saan siya susuling. Matinding parusa para sa kanya ang nagaganap na iyon.

 

 

“AYOKO NAAAAA !!” sigaw niya ng bumangon siya sa kama.

 

“TAMAAAAAA NAAAAAAAAAA !!!! TAMAAAAAAA NAAAAAAAA!!”

 

Tatakbo sana siya palabas ng kwarto ngunit bigla siyang natigilan.

 

Umihip kc ang malakas at malamig na hangin at kasabay nito ay kusang bumukas ang pintuan. Nakita niya ang isang batang babaeng nasa edad sampu. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkasindak.

 

“e-elisa?”

Napaurong siya. Labis ang kanyang pagtataka kung paanong nakalabas ito sa madilim na lugar na kanyang pinaglagyan dito-isang linggo ang nakakaraan.

 

Kahindik-hindik ang itsura ni elisa. Basing basa ang buo nitong katawan at nakukulapulan ng maitim ng mga maitim na putik na may mabaho at masangsang na amoy. Nanlilisik ang mga mata nitong animo’y nagaapoy sa galit.

 

Ramdam niyang bibigay na ang kanyang katinuan. Ibig na ibig niyang bawiin ang paningin ditto subalit hindi niya magawa. May tila malakas na magnetong pumipigil sa kanya upang manatili ang kanyang mga mata rito. At hindi niya ito kayang dalhin sa dibdib at isipan. Rason upang ipagsigawan niya ang kasalanang ginawa rito, kaakibat ang matinding pagsisisi. Ngayon ay napatunayan niya na sa kabila ng kanyang nagawa ay may nananatili pa ring sigaw ng konsensya.

 

 

“pero, nasaan si elisa?” tanong ng biyudang si aling eva sa panganay na anak na si mark habang umiiyak siya’t inaalalayan ito papasok sa kanilang bahay. Medyo hupa na ang kanyang matinding galit na sumambulat nang marinig ang pagsigaw ng lalaki nilang kapitbahay.

 

“inamin nga ni Oscar na siya ang pumatay sa kapatid mo pero hindinaman niya magawang sabihin kung saan niya itinapon ang bangkay.”

 

Nabulabog ng katahimikan ang gabi sa kanilang lugar kanina ng magsisigaw si Oscar at inamin ang nagawang krimen. Nang sugurin nila ito sa inuupahang bahay na katabi lagn nila ay sinuporthahan sila ng ilan nilang kapitbahay. Tulad ng damdaming umusbong sa kanila bilang pamilya ni elisa ay pagkasuklam din ang nadaraama ng mga ito. Bubugbugin sana ito ng mga kalalakihan ngunit natigilan ang mga ito ng mapansing wala na ito sa sariling katinuan.

 

Halatang labis ang pagkasindak ni mang Oscar. Iisa ang direksiyon ng tingin ng nanlalaki nitong mga mata na wari ba’y may kinatatakutan habang paulit-ulit na sinasabing ....

 

 

“GINAHASA KO SI ELISA! PINATAY KO SIYA !! PATAWAD” kahit nasa presinto na ang lalaki ay iyon pa rin ang bukambibig nito habang umiiyak. Hindi ito makausap ng mga pulis dahil tila nagiisa ito sa mundo at parang walang nakikitang tao sa paligid. Kaya nga kahit nahayag na kung bakit nawawala si elisa ay hindi pa rin matukoy kung nasaan ito.

 

 

“inay bakit hindi pa po kayo natutulog?” tanong ng sinundang kapatid ni elisa na si isabelle, matapos nitong lapitan si aling eva habang nakasilip siya sa bintana may kusina ng gabing iyon.

“baka naman po kung mapaano na kayo niyan.’ Dugtong pa nito.

 

Balak sana niyan kumain ng hapunan kaya ng tawagin siya nito kanina at snabing nakahain na agad siyang nagtungo roon. Subalit ng makaupo na siya sa harap ng hapag at tiningnan ng dalawang anak na makakasalo ay bigla na lang itong napaiyak. Naalala kasi niya ang nawawalang bunso, na alam niyang hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang kaluluwa. Malaks ang kutob niyang nagkaganon si mag Oscar dahil minumulto ito ng kanyasng anak na humihingi ng hustisya.

Nang umalis siya kanina sa hapag at naupo sa harap ng bintana ay hindi na ito umalis doon hanggang ngayon. Kaya nga nilapitan na siyan ng anak upang ayain na pumasok sa kwarto upang matulog.

 

“dito na muna ako isabelle.” Sabi niyang hindi ito tiningnan. Nanatili ang kanyang mga luhaang mata sa pagkakatitig sa sementadong poso negro na nasa likuran ng inuupahang bahay ni mang Oscar.

 

“sige na  mauna ka na.”

 

“wag niyo naman sanang sisihin ang saril ninyo sa pagkamatay ni elisa. Hindi niyo naman ho iyon ginusto, dba”

“nagkulang ako ng pagaalaga sa kanya” pahayag niya. Suminghot siya saka nagpatuloy ..

“dahil sa kagustuhan kong malibang at makalimutan ang pagkamatay ng tatay ninyo noon ay nakulong ako sa sugal. At dahil lagi ako sa sugalan ay hindi ko na masyadong naaalagaan ang kapatid mo ...” niyakap siya ni isabelle nang umiyak na rin ito.

 

“isabelle may sama ng loob sa akin si Oscar, madalas kaming magkalaban sa sugal at madalas ko siyang natatalo. Lagi kaming nagbabangayan at alam kong ginawa niya iyon sa kapatid mo bilang ganti sa akin. Si elisa ang nagbayad ng mga atraso ko...”

 

“inay tama na. Nagbayad na ho si mang Oscar sa kasalanan niya. Hindi man ho siya mahatulan ng batas ay mas masakit ho ang nangyari sa kanya. Nabaliw siya”

 

Ilang sandal pa silang nagusap ng anak. Nang kapwa na silang mahimasmasan ay pinauna na niya itong umakyat sa kwarto. Pagkatapos niyang bumuntong hininga ayibinaling niya ang paningin sa labas ng bintana. Ganon na lamang ang kanyang pagkagulat nang maaninangan ang tila kaluluwa ni elisa na nakatayo sa ibabaw ng poso negro.

 

 

“elisa .. anak?” Kasabay ng pagusal niya ng pangalan nito ay bigla itong naglaho.

 

 

WAKAS

 

This free website was made using Yola.

No HTML skills required. Build your website in minutes.

Go to www.yola.com and sign up today!

Make a free website with Yola